Mabait, Matalino, Mapagmahal sa mga Fans, SELFLESS.
Ganyan ang katangian nila Julie at Alden na nakilala ko, hanggang ngayon.
Kaya hindi ko matatanggap na basta-basta na lang may mananakit o magsasalita ng masasakit ang ibang tao sa dalawa, lalo na’t higit kay Julie na ang tanging basehan lang ay dahil isa siyang “Sagabal o Kontra-bida” kuno sa Loveteam ni Alden
Bago kayo magsalita, alamin nyo muna sana ang pagkatao o ugali ng isang tao, Nagsisimula pa lang si Alden sa showbiz, magkakilala na sila ni Julie
Atsaka Instead na si Julie ang ipalayo nyo, bakit hindi na lang kayo ang lumayo kay Julie Anne at tigilan nyo na sya.
Dahil kahit anong mangyari, magkakasama’t magkakasama parin silang dalawa ni Alden dahil showbiz po ang trabahong pinasukan nila
And Huwag nyo rin sabhin sa amin na tigilan na namin ang kaka-DenLie namin, Nakaka-hiya naman po kasi, 3 YEARS NA KAMING DENLIE. AND TAKE NOTE, SA EAT BULAGA DIN PO SILA NAGSIMULA. (NOVEMBER 10, 2012)
Para pala klaro sa lahat, I’m not Against AlDub, In fact, sinusubaybayan din namin ng tatay ko tuwing tanghalian ang Kalyeserye, dahil gusto rin namin sila, at bumili pa nga ako ng USB para lang madownload ung buong EP since day 1 ng Aldub.
I also like Maine, from the very start kahit nung sila palang ni lola nidora, kalog sya at mabait, lalo pa nga ko humanga sa kanya nung malaman ko ang background nya.
Ang ayoko lang, yung PAMBUBULLY o PAMBA-BASH KAY JAPS, Lalo na sa social media.
SOBRA na eh. Pinili na naming denlies na manahimik, Pero hindi ko na kaya, Sobra na mga masasakit na salita ang sinasabi nyo kay Julie. Respeto naman sana.
Dalawang taon kami naghintay para sakanila, para muli silang magka-trabaho, Makitang magkasama, at kahit ano pa ang mangyari, hindi yun magtatapos dito, dahil handa ulit kaming maghintay, Wala kaming hinihinging kapalit, dahil ganoon ang DenLies magmahal, ganon kami bilang isang Fan.
Sinusuportahan namin ang Aldub at Jhalie or kahit sino pa maka-trabaho nilang dalawa, Sana ganoon din kayo.
Hindi yung may nalaman lang kayo sakanila ni Alden dati, para na kayong mababaliw kakabash kay JA.
Matuto sana tayo makuntento at magfocus sa mga iniidolo natin, sa mga ikakabuti nila.
At sa mga Aldubs na nirerespeto si Julie, MARAMING SALAMAT PO SA INYO! :) GODBLESS YOU ALL ♥
SPREAD THE LOVE GUYS! ♥♥♥
1 Corinthians 13:4-8